Wednesday, October 2, 2013

                                Pagsunod Sa Batas ng Paaralan

Bawat batas ng bawat paaralan ay kailangan sundin ito ang nagiging gabay bilang isang edukadong tao at para magkaroon ng kaayusan ang paaralan hindi lang ang paaralan ang magiging maayos kundi pati mga estudyante at maging mga guro. Magiging maganda din ang tingin ng ibang tao sa mga mag-aaral na sumusunod sa batas.
Base sa nalalaman ko hindi lang ako maging ng iba tungkol sa batas ng paaralan maraming estudyante ang hindi nakakasunod unang halimbawa hindi pagsunod sa tamang school uniform , pangalawang halimbawa pagmemake-up ng mga babaeng estudyante ng di naman kailangan , pangatlong halimbawa hindi pagtapon ng tama ng basura sa tamang basurahan at hindi paghihiwalay ng nabubulok at di nabubulok at pang-apat ang di paglinis ng mga palikuran ng mga estudyanteng gumagamit nito.
Ang opinyon ko sa pagsunod sa batas ng paaralan ay kailangan itong sundin ng bawat estudyante para magkaroon ng kaayusan ang paaralan hindi ang paaralan ang magkakaroon ng kaayusan maging ang lahat ng pumapasok dito. Kung ito ay susundin ng lahat ng  gumagamit ng paaralan masasabing may roon halaga ang paaralan para sa kanilang kinabukasan.